Lifestyle

Pula ang Kulay ng Katapusan

Bakit pula? A foreword to Doktor Karayom’s book of raw, anatomical musings, drawn somewhere between bangungot and alaala.

Doktor Karayom’s book Ang Dalubkatawan ng Aking Paglalakbay, its crimson two-headed figure on the cover, beside a carved serpent and crates of vinyl records
Some books are read. Others read you back. Doktor Karayom’s most recent book of musings belongs to the second species.
Listen to this story

Bakit nga ba pula ang ginagamit ni Doktor Karayom na tinta para sa kanyang obra? Pula ba dahil mistulang sumisirit na dugo sa puting papel? O para bang mga ugat na naghaharutan sa pahina at nagma-mantsa ng mga tauhan o sari-saring kabaliwang tagpo — mga salaysay ng lapay. Baka dahil, malamang, matingkad na pula ang magiging kulay ng langit pag natuloy ang maitim na balak ng mga bungol na pulitiko na kupitin ang kahuli-hulihang hininga ng kalikasan, o kaya dahil sa pataasan ng ihi na mauwi sa digmaang nuklear. Tigok lahat tayo. May bahid na lang ng pula na memorya ng ating kagaguhan at mga naupos na pag-ibig. Ewan nga ba kung bakit. Hindi ko naitanong kay Doktor Karayom nung nagkita kami sa isang sosi na unibersidad noong binigyan siya ng award. (Habang nakapila kami sa buffet ng di nakakalibog na chibog.) Pero mas mainam na magsilbi itong palaisipan. Kasi, wika nga ni Kain kay Abel sa dati kong paboritong komiks, “Ang misteryo ang mananatili, hindi ang paliwanag.”

Ang alam ko lang, ang mga ginuguhit ni Doktor Karayom ay kanyang agimat kontra sa kawalan, ang kanyang pag-unawa sa nakaka-windang na mundo. O kaya dahil trip lang niya. ’Yun ang madalas na sagot ni Pepe Smith sa mga panayam. Wala, trip-trip lang, rakenrol!

Wina-warning-an ko na kayo bago nyo ilipat ang mga pahina ng libro na ito na siguradong bahagya nyong dinilaan: ito ay pagpapatuloy ni Doktor Karayom ng kanyang estratehiya na gumawa ng hilaw, anatomiko, wari’y tala-arawan ng laman.

Marami ditong drawings na para bang isinilang sa pagitan ng bangungot at alaala. Hitik ito sa mga nakapilipit na mga katawan, laman-loob, mata, sugat, hayop, at mga elemento. Naalala ko tuloy ’yung mga Aliwan komiks na nirentahan namin dati sa mga kalye sa Blumentritt: may mga kuwentong weirdo, kalagiman, at may sariling ikonograpiya para sa hindi karaniwang Pinoy. May mga artists na kontemporaryo tayo na tinutuloy ang ganitong tradisyon; isa na dun si Doktor Karayom.

Dito sa obra niya, makaka-relate tayong tumatawid ng marikit sa linya ng kabaliwan. May lalaking pinigil ang pagtae, may humalik sa bungo ng patay na hindi nya kilala, may taimtim na nakamasid sa kalabasa, may ATM na ang mawi-withdraw mo ay lumuluha na mata, may mga ligaw na engkwentro sa kosmiko at mitiko.

Mga props na santo, kandila, pako, ginataang pagi sa karinderya, elepanteng mababa ang lipad. Siguradong nagsisilbi silang simbolo na kung ano-ano. Ito ay ang ukay-ukay ng mga imahe na kumakatawan sa iba’t-ibang mukha ng psyche ng tagapagsalaysay. Halimbawa kung paano kaakibat ng salitang oras ang posas. ’Yung iba naman, sadyang hindi maipaliwanag. Bahala na si Batman.

Sa madaling salita, patok ito sa atin na sawang-sawa na sa mga balitang umiikot sa pulitikong mandarambong habang nagbubuga ng mga berso mula sa Bibliya, mga sosyalan ng mga fashionistang mayayaman na pula lagi sapatos, or mga artista na pa-tweetums habang nagbebenta ng produkto na hindi natin kayang bilhin at di natin kailangan. Ang kailangan natin ay ang totoong balita na ang nakapaglalahad lang ay mga makata at ang mga alagad ng sining.

Ang nagustuhan ko sa libro na ito, ’yung kanyang pagiging lantaran. Parang usapang alas-tres ng umaga sa sarili: hilaw, malapit sa laman, at kumakapit sa isip. Habang katabi ng mga upos ng sigarilyo, panis na sopas, at malamig na alaala ng mga pumanaw o lumayo.

Ayun, sana ay lingapin niyo itong aklat na ito. Bihira na ganitong lathalain. ’Yung pwede mong itabi sa mga obra ni Roxlee o ni Junji Ito mula sa aklatan ng impiyerno. ’Yung bang may pula-at-puting paleta na uukit sa ating lapida pagdating ng araw, puno ng ritwal ng laman at anino.

O siya, simulan nyo na ang paglalakbay. Matindi ang sangkap nito: sugat, dasal, kaluluwa, biro, at sangkaterba pang mga biro. Lagnat lang ang pahinga. Tahakin nyo na ang landas na mabato, maputik, at may bakas ng dugo. Malamang ang makita mo sa dulo ng daan — habang hinihilamusan ng liwanag, pagtanggap at pag-unawa — ay ang iyong sarili.

— IGAN D’BAYAN

Manila, 2025

This is my foreword for Doktor Karayom’s book, Ang Dalubkatawan ng Aking Paglalakbay, published by Istorya Studios. Special thanks to my friends Rodel Tapaya and Marina Cruz.

For purchase inquiries, the book is available from Istorya Studios.

A version of this story first appeared in Ang Dalubkatawan ng Aking Paglalakbay, 2025.

Back to Lifestyle

Keep reading

The coffee-table book Glenn Bautista: An Artist Drowning in Visions by Igan D’Bayan stands on a paint-spattered studio table among jars of brushes, oil paint tubes and a box of Sennelier pastels

The Art of Drowning in Visions

Glenn Bautista drew Rizal’s monument from a line by line transcription of his 39 poems, then vanished for 15 years. On the artist we forgot.

By Igan D'Bayan
Charcoal figure studies on easels and scattered across the floor of a peeling, light-filled life-drawing studio with plaster busts

Sketching skinscapes and other epiphanies

A Saturday nude sketching session with Malang, Arturo Luz, BenCab and Anita Magsaysay Ho, and one starving non-artist with a mangled pencil.

By Igan D'Bayan
Dr. Jaime Laya stands between a blue electric typewriter and a stack of art books, in a library of carved santos and floor-to-ceiling shelves

How a bullfrog keeps Jaime Laya awake when it rains

Dr. Jaime Laya on the frogs he had shipped in from the Candaba swamp, the somber santos and vintage narra indoors, and the first sentence he labors over.

By Igan D'Bayan
Bob Feleo in a white shirt looking up at his life-size bark-textured figure with a flame for a head, arms raised over a wide circle of small clay balls on the gallery floor

A shot of Basi with Bob Feleo

‘I don’t believe in inspiration,’ says master sculptor Bob Feleo, on the Basi Revolt of 1807 and why art should provoke thought.

By Igan D'Bayan
Rodel Tapaya in a cap and Marina Cruz in a grey suit, both in Art Fair Philippines 2020 exhibitor badges, smiling side by side in a gallery booth

Rodel Tapaya and Marina Cruz: Two for the road of art

Contemporary Filipino artists Rodel Tapaya and Marina Cruz on folklore, memory, and building an artistic life together in Bulacan.

By Igan D'Bayan
Spanish artist Ginés Serrán works on the face of his full scale clay model of General Martín Delgado on horseback, later cast in bronze for Iloilo, in a studio with tall windows

The sad, extraordinary tale of a general in the Revolución exiled as a ‘leper,’ as told by a Spanish artist

Spanish artist Ginés Serrán on sculpting a bronze monument in Iloilo for General Martín Delgado, the revolutionary hero exiled to Culion.

By Igan D'Bayan
Artist Manuel Ocampo in profile, bearded and in a pale baseball cap and dark work shirt, against a plain sepia-toned wall

Manuel Ocampo’s anarchy in the R.P.

The Manuel Ocampo conversation concludes: anarchy in the R.P., institutional critique, and hell according to Seinfeld’s Elaine.

By Igan D'Bayan
Senator Loren Legarda in a woven-trimmed black jacket stands among hanging fabric artworks and a boulder in the Philippine Pavilion

A raising of curtains: Senator Loren Legarda & the story of the PHL Pavilion in Venice

Over lunch in Venice, Senator Loren Legarda recounts how she willed the Philippines back to the Biennale after a 51-year absence.

By Igan D'Bayan